Maikling Buod Sa Noli Me Tangere Sa Kabanata, 11

Maikling buod sa noli me tangere sa kabanata
11

Kahit Don Rafael ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi siya kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Ngunit ganon pa man, siya ay iginagalang at may pagkakautang sa kanya ang halos lahat ng mga tao. Sa kabila ng kanyang busilak na damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at walang kumampi sa kanya.  

Si Kapitan Tiyago, kahit na masalapi ay sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masarap na pagkain tuwing siya ay pupunta sa bayan. Siya ay tinatawag na Sakristan Tiyago kapag siya ay nakatalikod. Hindi rin nabibilang  sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan ang kapitan. Nabili ang kanyang puwesto sa halagang P5,000 at madalas din siyang kagalitan ng Alkalde Mayor.  

Maihahalintulad ang San Diego sa Roma at Italya dahil sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihang pamunuan ang bayan. Ang mga ito ay sina Padre Bernardo Salvi, isang payat at batang Pransiskano at siya ang pumalit kay Padre Damaso. Mahilig siya mag ayuno kaya siya ay payat. Kung siya ay ihahambing kay Padre Damaso, mabait siya at maingat sa tungkulin. Bagama't may hidwaan si Padre Salvi at ang Alperes tuwing sila ay nagkikita, pareho silang nagpaplastikan. Si Padre Salvi at ang Alperes ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Sila ang mga tinatawag na casique.

Please refer to these links for more reference:

brainly.ph/question/515503

brainly.ph/question/1262390

brainly.ph/question/2123152


Comments

Popular posts from this blog

Kahulugan Ng Halinhan

Kasingkahulagan Ng Malasin