Buod At Aral Ng Kabanata 7 Ng El Filibusterismo
Buod at aral ng kabanata 7 ng el filibusterismo
Answer:
Kabanata 7: Si Simoun
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.
Aral
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila makamtam ang mga layunin at adhikain nila sa buhay. Ang layuning maging malaya mula sa pagkakaalipin at ang layuning maging kabahagi ng isang pamahalaan ay ipinakikita sa kabanatang ito sa katauhan nina Simoun at Basilio. Kayat bawat tao ay may kanya-kanyang isip at desisyon na ninanais na gawin upang makamit ang kani-kanilang layunin at minimithi. Ngunit huwag lang paghihiganti at paghihimagsik ang palaging isaisip dahil hindi ito ang solusyon sa lahat ng problema.
Buod
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.
Ang Kabanatang ito ay may pahiwatig na:
- Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito'y mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa, kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa kaniyang bayan.
- Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi ng pagbabago. Ang isa'y humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng Espanya at ang isa nama'y nagnanais humiwalay upang maging ganap na malaya.
Keywords: Simoun, Basilio
Para sa karagdagang aral sa Kabanatang ito: brainly.ph/question/1313110
Para sa Mahahalagang Pangyayari: brainly.ph/question/2124022
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment