Buong Kabanata 25 Ng El Filibusterismo

Buong kabanata 25 ng el filibusterismo

El Filibusterismo

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

          Nagkaroon ng piging ang mga mag aaral sa Panciteria Macanista de Buen gusto. Silang lahat ay labing apat kabilang ang mag aaral na si Sandoval. Sa kanilang pagkukwentuhan ay binasa nila ang lahat ng mga paskil na natagpuan sa loob ng paaralan. Tulad ng,  "Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!"  Naging tahasan ang mga salita ng mga mag aaral dulot ng kanilang mga hinanakit. Dumating si Isagani ngunit si Pelaez ay hindi sumipot na tulad ni Basilio. Sinabi ni Tadeo na sana ay naroon din si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha kapag ito ay nalasing.

           Nagkainan ang mga mag aaral at nagsimulang ihandog ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta'y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit.

            Pinapagtalumpati si Tadeo ngunit dahil hindi ito nakahanda. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.  Nakita sila ng utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagmanman ito sa mga estudyante kaya naman nagwika si Makaraig ng "Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!"

Read more on

brainly.ph/question/2122782

brainly.ph/question/2125559

brainly.ph/question/2132265


Comments

Popular posts from this blog

Maikling Buod Sa Noli Me Tangere Sa Kabanata, 11

Kahulugan Ng Halinhan

Kasingkahulagan Ng Malasin